Loading...
HomeMy WebLinkAboutExecutive Summary -TagalogKomisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan at Plano sa Pagkilos na hinanda ng Raimi + Associates 1 Komisyon sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan EHEKUTIBONG BUOD KOMISYON SA PAGIGING PATAS SA LAHI AT LIPUNAN PANGHULING ULAT + PLANO SA PAGKILOS NG SOUTH SAN FRANCISCO SA PAGIGING PATAS SA LAHI AT LIPUNAN Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan at Plano sa Pagkilos na hinanda ng Raimi + Associates 2 Komisyon sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan Panghuling Ulat + Plano sa Pagkilos ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan Ehekutibong Buod Ang pagkamatay ni George Floyd ay nagpabilis sa mas malawak na suporta para sa pagkilos na Black Lives Matter sa South San Francisco at lumikha ng oportunidad para sa mga bagong alyansa at pagtawag sa pagkilos. Ang Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan ay nilikha para matugunan ang pagtawag na iyon. Lumikha ang Komisyon ng oportunidad para pagsamahin ang mga miyembro ng komunidad nang madetermina ang mga priyoridad para maisulong ang pagiging patas sa lahi at lipunan. Sinasalaysay ng panghuling ulat ang proseso ng pagpaplano at itinatampok ang bawat hakbang ng trabaho ng Komisyon: 1. Paglunsad ng Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas ng Lahi at Lipunan: Kaugnay ng hakbang na ito ang pagpupulong ng mga Komisyoner, nirerepaso ang proseso ng misyon at pagpaplano, kinukumpirma ang mga tungkulin at istraktura ng pagpapasya, at pagtukoy sa mga kasunduan ng pangkat at mga panggabay na prinsipyo. Kasama sa kakaibang komposisyon ng Komisyon ang mga miyembro na may malalim na kaalaman sa komunidad ng South San Francisco, pati na ang mga kinatawan mula sa pamahalaan ng Lungsod at pamumuno ng komunidad. 2. Paglikha ng Oportunidad para Makinig at Matuto: Sa yugtong ito, tumuon ang Komisyon sa pakikinig sa mga karanasan ng miyembro ng komunidad at mga pangangailangan pati na ang sa mga eksperto mula sa mga ibang komunidad para masiguro na ang mga rekomendasyon ay makabago at partikular sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng komunidad sa South San Francisco. Nirepaso din ng mga Komisyoner ang demograpiko ng South San Francisco at kontekstuwal na data na nagtatampok ng mga hindi pagiging patas. 3. Pagpapasulong sa Pagiging Patas sa South San Francisco: Tumuon ang Komisyon sa pagsasapinal ng mga layunin at mga istratehiya para maisulong ang pagiging patas sa South San Francisco. Kasama ito ang pagrepaso sa pinakamahusay at pinakamagandang kasanayan, pagrepaso sa karagdagang data, at kumakalap ng input mula sa Mga Komisyoner at mga miyembro ng komunidad para masiguro na ang mga istratehiya ay pinasadya para matugunan ang mga partikular na pangangailangan sa South San Francisco. Sa proseso ng pagpaplano, ang mga hakbang sa pagkilos na natukoy na may kasamang mga pagkilos na agad gagawin, mga pagkilos na bubuo sa trabahong isinasagawa na, at mga pagkilos para makayanan ang paparating na taon at higit pa. 4. Pagpapanatili at Pagpapabilis sa Pagbabago: Kaugnay sa panghuling yugto ng Komisyon sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan ang pagbuo ng Plano sa Pagkilos sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan ng South San Francisco. Kasama sa Plano sa Pagkilos ang sumusunod na apat na layunin at istratehiya para sa unang taon ng pagpapatupad. Ang bawat istratehiya ay mayroon ding mga pangunahing konsiderasyon, mga nais na kalalabasan at pamamaraan ng komunidad, at partikular na mga hakbang ng pagkilos na may mga natukoy na lead at timeline. Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan at Plano sa Pagkilos na hinanda ng Raimi + Associates 3 Mga Layunin at Istratehiya sa Plano ng Pagkilos sa Unang Taon Ang Plano sa Pagkilos na ito ay nakatuon sa mga layuning iyon at mga istratehiya na inunan ng Mga Komisyoner para sa unang taon ng pagpapatupad (Agosto 2021-Hulyo 2022). Ang mga inunang istratehiya ay ipinapakita sa ibaba. LAYUNIN 1: Siguruhin ang patuloy na pamamahala at pananagutan para maisulong ang pagiging patas sa lahi at lipunan sa South San Francisco LAYUNIN 2: Siguruhin ang kaligtasan ng mga miyembro ng komunidad na may kulay sa pagtatanggal ng mga racist na kasanayan at polisiya sa sistema ng kriminal na hustisya Istratehiya 1.1: Magtaguyod ng dedikadong posisyon ng kawani (hal. isang Opisyal para sa Pagiging Patas at Inklusyon) para ma-institutionalize ang pananagutan, maisulong ang mga inisyatibo sa pagiging patas at subaybayan ang mga kaugnay ng pagiging patas na kalalabasan sa buong South San Francisco Istratehiya 2.1: Lumikha ng pangkat sa kabutihan ng kalagayan ng komunidad at pagtugon sa krisis para sa krisis sa kalusugan ng pag-iisip, paggamit ng sangkap, at kawalan ng tahanan na nakatuon sa pamamahala ng hindi pagkakasundo, de- escalation at pag-ugnay ng mga tao sa mga pangsuportang serbisyo Istratehiya 2.2: Magtaguyod ng Lupon ng Kaligtasan ng Komunidad at Pagpayo sa Pagiging Patas para repasuhin ang data, magbigay ng mga rekomendasyon, siguruhin ang pananagutan, at bumuo ng tiwala Istratehiya 2.3: Palakasin ang pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng mga pagsusumikap sa pakikipag-ugnay ng komunidad para bumuo ng tiwala sa mga kultura na nakatuon sa mga residenteng may kular at mga residenteng mababa ang kita Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan at Plano sa Pagkilos na hinanda ng Raimi + Associates 4 LAYUNIN 3: I-target ang mga dulugan at suporta sa mga residente na may kulay para mabawasan ang mga puwang na nilikha ng mga kakulangan sa pagiging patas sa istraktura LAYUNIN 4: Siguruhin na ang pagpaplano sa paggamit ng lokal na lupa ay daragdag ng access sa mga dulugan at oportunidad para sa mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad Istratehiya 3.1: Palawakin ang ugnayan at suporta sa nabigasyon para sa mga mababa ang kita, mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad at bumuo ng tiwala sa pagitan ng mga miyembro ng komunidad at ng Lungsod Istratehiya 3.2: Palawakin ang mga ekonomikong oportunidad para sa mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad Istratehiya 3.3: Palawakin ang impormasyon at suporta para matugunan ang kawalan ng katiyakan sa pabahay para sa mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad Istratehiya 3.4: Palawakin ang mga pang-edukasyong dulugan para sa mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad Istratehiya 4.1: I-leverage ang magagamit na ari-ariang lupain para mapalawak ang pagiging abot-kaya ng mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan at Plano sa Pagkilos na hinanda ng Raimi + Associates 5 Ang bawat istratehiya ay may nauukol na konsiderasyon na natukoy ng Mga Komisyoner, mga kalalabasan, mga pamamaraan, at mga pagkilos. Ang mga natukoy na kalalabasan para sa bawat istratehiya ay nakabalangkas sa ibaba. LAYUNIN 1: Siguruhin ang patuloy na pamamahala at pananagutan para maisulong ang pagiging patas sa lahi at lipunan sa South San Francisco Istratehiya 1.1 Mga Kinalabasan ▪ Dagdagan ang koordinasyon at kolaborasyon sa pagitan ng mga departamento ng Lungsod, mga organisasyon ng komunidad, at mga miyembro ng komunidad para matugunan ang kawalan ng pagiging patas sa lahi at lipunan sa South San Francisco ▪ Dagdagan ang pakikiugnay ng komunidad (lalo na sa mga miyembro ng komunidad na pinakanaaapektuhan ng mga kawalan ng pagiging patas sa lahi at lipunan) para maisulong ang pagiging patas sa lahi at lipunan sa South San Francisco ▪ Dagdagan ang sistematikong pagkolekta ng data at pagsusuring kaugnay ng pagiging patas sa lahi at lipunan sa South San Francisco LAYUNIN 2: Siguruhin ang kaligtasan ng mga miyembro ng komunidad na may kulay sa pagtatanggal ng mga racist na kasanayan at polisiya sa sistema ng kriminal na hustisya Istratehiya 2.1 Mga Kinalabasan: ▪ Dagdagan ang napapanahon at proactive na access sa angkop na mga dulugan para sa kalusugan ng pag- uugali para sa mga nasa krisis, lalo na sa mga taong may kulay sa South San Francisco ▪ Dagdagan ang kaalaman ng mga kundisyon ng kalusugan ng pag-iisip ▪ Dagdagan ang mabisang istratehiya sa pamamagitan sa mga tauhan ng pagpapatupad ng batas ▪ Bawasan ang ilang klase ng mga tawag sa pulis at interaksiyon/tugon ng pulis sa mga miyembro ng komunidad kapag hindi kailangan (hal. bawasan ang mga tawag na nangangailangan ng tugon ng pulis) Istratehiya 2.2 Mga Kinalabasan: ▪ Dagdagan ang pangmamamayang ugnayan at diwa ng pagiging bahagi sa mga miyembro ng komunidad ▪ Dagdagan ang diyalogo ng komunidad tungkol sa pampublikong kaligtasan na may pagtuon sa transparency at pananagutan Istratehiya 2.3 Kinalabasan: ▪ Dagdagan ang partisipasyon ng mga taong may kulay at mga residenteng matatas sa mga wikang maliban sa Ingles sa programang Community Emergency Response Team (CERT) ng South San Francisco Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan at Plano sa Pagkilos na hinanda ng Raimi + Associates 6 LAYUNIN 3: I-target ang mga dulugan at suporta sa mga residente na may kulay para mabawasan ang mga puwang na nilikha ng mga kakulangan sa pagiging patas sa istraktura Istratehiya 3.1 Mga Kinalabasan: ▪ Bigyang impormasyon, turuan, at bigyan ng kapangyarihan ang komunidad sa pamamagitan ng naka-target na pagsusumikap sa outreach at edukasyon ▪ Siguruhin na gumamit ng naaayon sa kultura at wikang pamamaraan sa mga pangkomunidad na pakikipag - ugnayan at oportunidad ▪ Dagdagan ang paggamit ng mga pangsuportang serbisyo ng mga residenteng may kulay Istratehiya 3.2 Mga Kinalabasan: ▪ Dagdagan ang kita para sa mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad ▪ Dagdagan ang maliliit, na lokal na negosyong pag-aari ng mga residenteng may kulay (lalo na ang mga Latinx na residente) Istratehiya 3.3 Mga Kinalabasan: ▪ Dagdagan ang pataas na ekonomikong paggalaw para sa mga residenteng may kulay ▪ Panatiliin ang mga taong nakabahay na nasa peligro ng kawalan ng tirahan ▪ Siguruhin na ang mga residente ay abot-kaya pa ring tumira sa South San Francisco Istratehiya 3.4 Mga Kinalabasan: ▪ Dagdagan ang mga oportunidad sa dagdag kaalaman para sa mga batang may kulay sa South San Francisco ▪ Dagdagan ang mga oportunidad sa pag-unlad ng kabataang may kulay sa South San Francisco ▪ Dagdagan ang partisipasyon sa mga kabataan na mababa ang kita at mga pamilya nila sa mga programa na pandagdag sa kaalaman/mga programang pagpapaunlad sa pamumuno ▪ Bawasan ang mga hadlang sa akademikong tagumpay LAYUNIN 4: Siguruhin na ang pagpaplano sa paggamit ng lokal na lupa ay daragdag ng access sa mga dulugan at oportunidad para sa mga taong may kulay at ibang makasaysayang mahihirap na miyembro ng komunidad Istratehiya 4.1 Mga Kinalabasan: ▪ Bawasan ang gastos sa pag-develop ng mga yunit sa pabahay na abot-kaya ▪ Dagdagan ang mga yunit sa pabahay na inuuna para sa mga tao na nakatira na/o nagtatrabaho sa South San Francisco Komisyon ng South San Francisco sa Pagiging Patas sa Lahi at Lipunan at Plano sa Pagkilos na hinanda ng Raimi + Associates 7 komisyon sa pagiging patas sa lahi at lipunan ng south san francisco